Gabbi Garcia walang inuurungang hamon sa buhay

 

KAHIT ano yata ang ipagawa mo kay Gabbi Garcia ay kayang-kaya niyang panindigan at pagtagumpayan.

Kamakailan, muling pinatunayan ng Kapuso leading lady ang kanyang katapangan, hindi niya inurungan ang hamon ng pagte-trail biking kasama ang kanyang kapatid na si Alex.

Nakakatuwa ang bonding moment ng magkapatid, pareho pala silang adventurous at handa sa mga extreme activities. Gustung-gusto nilang tsina-challenge ang kanilang nga sarili.

No wonder magkasundong-magkasundo rin sila ng kanyang on-screen partner sa primetime series ng GMA na Sherlock Jr. na si Ruru Madrid. Talagang palaban din ang dalaga sa mga challenging at action scenes sa serye.

Iba talaga ang Kapuso millennial IT girl! Kaya hindi na kami magtataka kung isang araw ay bigyan din si Gabby ng sarili niyang action serye tulad ng mga ginawa noon nina Angel Locsin at Marian Rivera.

Samantala, tutukan ang pagpapatuloy ng kuwento ng Sherlock Jr. sa GMA Telebabad after 24 Oras kasama sina Ruru, Gabbi at ang wonder dog na si Siri. Tutukan ang bagong kasong iso-solve ng tatlong partners in crime. Dito makakasama naman nila ang reel and real life couple na sina LJ Reyes at Paolo Contis.

Ka-join din sa Sherlock Jr. sina Andre Paras, Tonton Gutierrez, Sharmaine Arnaiz, Ai Ai delas Alas, Roi Vinzon at marami pang iba, sa direksyon ni Rechie del Carmen.

Read more...