Robin nag-sorry kina Kylie at Aljur; Aljur ikinuwento ang love story nila ni Kylie, parang Romeo & Juliet!

KYLIE PADILLA, ROBIN PADILLA AT ALJUR ABRENICA

NAG-SORRY din si Robin Padilla kina Kylie Padilla at Aljur Abrenica. Nangyari ito noong mamanhikan ang pamilya ng aktor kina Binoe kamakailan para pormal nang hingin ang kamay ni Kylie.

Ayon kay Aljur, naikuwento niya kay Robin kung paano tumakbo ang naging relasyon nila noon ni Kylie. “Sinabi ko yung mga nangyari. Yung love story namin ni Kylie, kaya siguro naging Romeo and Juliet,” sey ng aktor sa panayam ng Tonight With Boy Abunda.

Dito rin sinabi ni Aljur na humingi ng tawad sa kanya si Robin, “Opo. Humingi po siya ng paumanhin sa mga nangyari dati. Kung bakit hindi niya kami masuportahan at naiintindihan namin kung bakit.”

Mensahe naman niya sa ama ni Kylie, “Pasensiya na Tito Robin, ngayon lang nangyari ito. Para kaming magkaibigan na nagkwentuhan. Pati siya may payo bilang isang ama. Kung sino si Kylie sa kanya, kung paano niya tingnan si Kylie nakita ko. Kung gaano niya kamahal.”

“Alam ni Tito Robin, may planong magpakasal,” aniya pa ngunit tumanggi na siyang idetalye ang tungkol dito.

 

Read more...