Paolo, LJ gaganap na mag-asawa sa Sherlock Jr.

Larawan mula sa  Instagram account ni Paolo Contis @paolo_contis

KAABANG-ABANG ang mga susunod na eksena sa paboritong primetime serye ng mga Kapuso na Sherlock Jr. sa pagpasok ng mga karakter ng real-life couple na sina Paolo Contis at LJ Reyes.

Kasalukuyan nang napapanood sa Sherlock Jr. ang dalawa bilang sina Albert at Meryll Ruiz, ang mag-asawang nawawalan ng anak.

Siyempre, sino pa nga ba ang tutulong sa kanila kundi ang partners in crime na sina Jack (Ruru Madrid), Lily (Gabbi Garcia) at Pido (Andre Paras). Kasama pa rin of course sa kanilang operasyon si Siri ang wonder dog na siyang nakatunog sa pagkidnap sa isang bata ng mga sindikato.

Abangan ang magiging kwento sa likod ng buhay nina Albert at Meryll, sila naman ang susunod na papakitaan ng galing nina Siri at Jack!

Napapanood pa rin ang Sherlock Jr. gabi-gabi sa GMA Telebabad pagkatapos ng 24 Oras.

Read more...