Binatilyong anak ni Joey nakabuntis nga ba?

Larawan mula sa Instagram account ni Vitto Marquez @hashtag_vitto

“HINDI ako nakabuntis!” ‘Yan ang ginawang paglilinaw ng binatang anak ni Joey Marquez na si Hashtag Vitto Marquez matapos mapabalitang may dalawang miyembro ng grupo ang magiging tatay na very soon.

May mga nagkomento kasi na baka raw siya ang natsitsismis na Hashtags member na nakabuntis dahil nga anak siya ni Joey na kilala noon bilang lapitin ng mga babae.

Pero sabi nga ni Vitto, magkaiba naman daw sila ng kanyang tatay. Natatawang sabi ng binata mas matino naman daw siya sa kanyang ama.

Bukod sa Hashtags, kabilang na rin si Vitto sa grupong #FBOIS ng Viva Entertainment kasama sina Julian Trono, Andrew Muhlach, Jack Reid at Dan Huschka. Sila ang bibida sa bagong barkada movie ng Viva Films na “Squad Goals”.

Ani Vitto, hindi naman daw siya aalis sa Hashtags, ang grupo nilang #FBOIS ay bahagi lang ng kanilang pelikulang “Squad Goals” na malapit nang mapanood sa mga sinehan nationwide.

 

Read more...