Mega nagulat sa ginawa ni Gabby bago simulan ang fast food tv ad | Bandera

Mega nagulat sa ginawa ni Gabby bago simulan ang fast food tv ad

Ervin Santiago |February 24,2018
facebook
share this

Mega nagulat sa ginawa ni Gabby bago simulan ang fast food tv ad

Ervin Santiago - February 24, 2018 - 12:10 AM


NAGKUWENTO si Sharon Cuneta tungkol sa muli nilang pagkikita ng kanyang ex-husband na si Gabby Concepcion makalipas ang 26 taon para sa ginawa nilang fast food TV commercial.

Sa panayam ng ABS-CBN kay Mega sa pa-thanksgiving ng Star Cinema para sa tagumpay ng huli niyang pelikula with Robin Padilla, ang “Unexpectedly Yours”, inamin niyang may ilangan talaga nu’ng muli silang magkita.

“Before the project, may project talaga pero sinong kasama ko? Parang ganu’n, tapos nu’ng sinabi na siya alam mo yung mixed emotions na ‘Is it going to be fun?’ ‘Would it be a happy reunion?’ Kasi nga hindi kami nakapag-usap ng napakahabang panahon, not even sa phone not even sa message tapos yung last hindi maganda,” ayon kay Sharon.

Dugtong pa ng Megastar, “Dinasal ko talaga, pati si Miguel kasama ko na ‘please pray for Mama tomorrow.’ Sabi ng anak ko ‘please for Mama’s good working day tomorrow. I will be happy if mama will be happy’ ganyan, ganyan.”

Hinding-hindi malilimutan ni Sharon ang eksena sa pagitan nila ni Gabby bago nila simulan ang shooting ng kanilang TV commercial. Malaki raw ang nagawa ng basket of fruits para mawala agad ang wall sa kanilang pagitan.

“Nagulat ako biglang he went to my dressing room to say hi. Pag tingin ko siya and hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko and he said ‘I bought you fruits’ and sabi ko ‘thank you see you later.’ Alam mo yung nagkaka-ilangan kami,” aniya.

Hirit pa ni Shawie, “But the minute na dumating kami sa set, parang ano lang, parang kahapon lang kayo galing sa shooting. Balik agad Sharon Gabby kayo agad. Okay let’s do this as usual like what we’ve been doing forever,” sey pa ni Mega.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending