Aga, Janice proud na proud kay Luigi Muhlach


MULING nagkasama kamakailan ang dating couple na sina Aga Muhlach at Janice de Belen sa opening ng restaurant business ng anak nilang si Luigi Muhlach.

Parehong proud na proud ang dalawa sa bagong achievement ng kanilang chef na anak. Tuwang-tuwa naman si Luigi dahil pinagbigyan siya nina Aga at Janice sa kanyang imbitasyon.

“Matagal na (akong proud kay Luigi)! Siya lang ang hindi bilib sa sarili niya. Son, you just have to believe and I just want to congratulate you for (this). Good job!” ani Aga sa panayam ng ABS-CBN.

Read more...