Kris ilalampaso ang mga magnanakaw na politiko sa susunod na eleksyon

KRIS AQUINO

ANG itinakdang susunod na electoral exercise ay sa barangay at Sangguniang Kabataan this May 14, na nakasanayan nang idinadaos tuwing October.

Bagama’t emotions run high (and wild) ng madlang pipol sa tuwing barangay polls, its intensity is drowned out kapag pinag-uusapan na ang sa national level.

Nabuhay uli ang balitang pagtakbo ni Kris Aquino sa pagka-Senador in 2022 during which ay bababa na sa puwesto si Pangulong Rodrigo “Digong” Duterte.

Nabuhay dahil Kris’ gunning for a national post is nothing new. Matagal nang umuugong ang tsikang she’ll follow in the political steps of her immediate kin.

If we’re asked a premature question about Kris’ chances of making it, yes, she’ll give her opponents a run for their (campaign) money. At bakit naman hindi?

Unlike most na nakatikim ng kapangyarihan ay nakatitiyak na tayo—contrary sa isang basher na pinatulan niya—that Kris will never steal from the government coffers. Thus, magsisilbi pa ngang huwaran at inspirasyon si Kris sa mga bureaucratic thieves who think politics is business and not public service.

At the risk of putting the cart before the horse, marami pang maaaring mangyari between now and 2022.

Pero hindi pa man, Kris—as far as we’re concerned—is assured na shaded ang oval sa aming ballot opposite her name in the senatorial lineup.

Kung sa mga returning electees din lang who have none but a besmirched image, du’n na kami kay Kris, ‘no!
Hindi man siya nagtapos bilang magna cum laude, at least, hindi siya magnanakaw!

 

Read more...