Paolo mas naging maka-Diyos nang maging girlfriend si LJ

LJ REYES AT PAOLO CONTIS

HINDI ipinagkakaila ni Paolo Contis na malaking factor ang girlfriend na si LJ Reyes upang maging matibay ang pananampalataya niya sa Diyos.

Ang faith nila ay isa sa dahilan kung bakit hanggang ngayon ay matibay pa rin ang kanilang relasyon.
Eh, hindi lang ang personal na relasyon ng dalawa ang nabi-blessed kundi pati na rin ang respective career nila.

Bukod sa pagiging bida sa coming episode ng Stories for the Soul this Sunday after Dear Uge ni Paolo, bibida naman si LJ sa episode tonight ng Magpakailaman, ang “Anak ng Kasinungalingan” kasama sina Chynna Ortaleza at Tonton Gutierrez.

Sa upcoming episodes naman ng primetime series ng GMA na Sherlock Jr., papasok na rin ang characters nina Paolo at LJ.

Read more...