Horoscope, February 24, 2018 | Bandera

Horoscope, February 24, 2018

Madam Sophia |February 24,2018
facebook
share this

Horoscope, February 24, 2018

Madam Sophia - February 24, 2018 - 12:15 AM

Para sa may kaarawan ngayon: Ka-opposite sex ang magbibigay ng suwerte! Kung babae ka, maghanap ng lalaking nakasuot ng kulay asul. Siya ang magpapalasap sa iyo ng ligaya at mag-aabot ng maraming pera. Kung lalaki ka naman, babaing nakapula ang iyong hanapin. Mapalad ang 6, 15, 24, 33, 42, at 45. Mahiwaga mong mantra: “Marah-Batah-Mara-Hashi-Om.”

Aries – (Marso 21-April 19) — Wag kainipan ang pagyaman, kusang darating iyan sa edad mong 51 pataas. Sa pag-ibig, hindi dapat apurahin ang kasuyo, darating ang panahong bibigay din niya sa iyo ang lahat ar sobra kang maliligayahan. Mapalad ang 6, 15, 21, 27, 35, at 47. Mahiwaga mong mantra: “Slowly but surely!” Lilac at blue ang buenas.

Taurus – (April 20-May 20) — Kapag kumikita ng malaking halaga, abutan ng pera ang mga taong wala ng maasahan sa buhay. Sa ganyang paraan mas maraming suwerte at magagandang kapalaran ang ipagkakaloob sa iyo ng langit. Sa pag-ibig, sa pagiging mabait makakatagpo ka rin ng true love. Mapalad ang 3, 16, 24, 33, 40 at 46. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Una-Salus-Om..” Red at green ang buenas.

Gemini – (May 21-June 21) — Hindi dapat maglabas ng malaking halaga ng salapi na hindi mo naman tiyak ang patutunguhan. Sa pag-ibig, matamlay ang kasuyo, yayain siyang kumain ng hugis bilog na kapag hiniwa ay nagiging tatsulok! Mapalad ang 5, 14, 24, 33, 42 at 46. Mahiwaga mong manrta: “Aum-Biscit-Victoria-Venit.” Maroon at blues ang buenas.

Cancer – (June 22- July 22) — Kahit na marami ka ng pera at lumago pa ng husto ang kabuhayan, alam mo bang hindi ka magiging maligaya? Ang kaligayan ay matatagpuan sa pagtulong sa kapwa. Tulungan ang isang ka-dugo na nangangailangan. Mapalad ang 2, 7, 16, 25, 29 at 43. Mahiwaga mong mantra: “Ba-Banam-Ke-Balam.” Beige at green ang buenas.

Leo – (July 23 – August 22) — Wag magyabang! Panatiliin ang pagiging low profile, upang hindi ka kainggitan. Sa pag-ibig, laging magpakabait sa paningin ng minamahal upang higit ka pa nyang kalugdan. Mapalad ang 9, 18, 24, 38, 42 at 45. Mahiwaga mong mantra: “Perfer-Et-Makdu-Om.” Violet at red ang buenas.

Virgo – (August 23 – September 22) — Kikita ng malaking halaga kung patuloy mong paiiralin ang lakas ng loob. Hindi ka dapat tumigil hanggang magtagumpay. Sa pag-ibig, kahit na pumapangit ang kasuyo at nagkaka-edad na hindi dapat mag bago ang iyong pagmamahal sa kanya. Mapalad ang 7, 18, 27, 36, 39 at 48. Mahiwaga mong mantra: “Dum-Vita-Est-Me-Om.” Purple at maroon ang buenas.

Libra – (September 23-October 23) — Wag ubusin ang oras sa kape-facebook! Sa halip ang dapat mong pag isipan ay kung paano pa lalong kikita ng salapi. Sa pag-ibig, matutuwa ang kasuyo kapag nalaman niyang na-supil mo na ang pagging adik sa internet. Mapalad ang 6, 14, 28, 37, 41, at 49. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Pad-Me-Om”. Silver at red ang buenas.

Scorpio – (October 24 – November 21) — Kahit hindi naisagawa ang magagandang balak hindi pa naman huli ang lahat! Kumilos ka ngayon at makikita mo kusang papabor sa ‘yo ang kapalaran. Sa pag-ibig, bigla ang magaganap, masarap na romansa ang malalasahan. Mapalad ang 2, 13, 26, 29, 38 at 47. Mahiwaga mong mantra: “Cras-Credemus-Om.” Magenta at blue ang buenas.

Sagittarius – (November 22 – December 21) — Mas kikita ng malaking halaga kung imbis na sila ang asahan, ikaw mismo ang dumiskarte. Sa pag-ibig, wag bigyan ng sama ng loob ang kasuyo, dahil makikita mo na naman siyang nagmumokmok sa isang tabi na parang sisiw na basambasa sa ulan. Mapalad ang 4, 13, 28, 34, 39, at 49. Mahiwaga mong mantra: “Aut-Vincer-Amori-Om.” Green at yellow ang buenas.

Capricorn – (December 22 – January 19) — Isang medyo maikli ang buhok, pa-square ang hugis ng mukha ang magbibigay sa iyo ng magandang kapalaran. Siya rin ang mahiwagang nilalang na tutulong sa iyo upang yumaman. Sa pag-ibig, siya ang dapat mong makasama ng pang habang buhay. Mapalad ang 5, 14, 23, 38, 41 at 45. Mahiwaga mong mantra: “Karma-Yoga-Ashana-Om.” White at apple green ang buenas.

Aquarius – (January 20 – February 18) — Gawin mong mabilis ang lahat ng bagay upang mas mabilis kang yayaman. Sa pag-ibig, sunggaban ang kasuyo upang wag nang makawala pa at wag maagaw ng iba! Mapalad ang 5, 18, 23, 27, 32 at 45. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Bhra-Dosya-Om.” Sky blue at silver ang buenas.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Pisces – (February 19 – March 20) — Dalawin ang mga kapamilya! Sa pinansiyal, isang galing sa abroad ang mag-aabot sa iyo ng malaking halaga. Sa pag-ibig, sa pagbabalik probinsya matatagpuan ang true love. Mapalad ang 7, 11, 22, 35, 41 at 47. Mahiwag mong mantra: “Aum-Ispiro-Om.” Green at white ang buenas.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending