Deputy Ombudsman Carandang pinapabitbit palabas ng kanyang opisina
SUMUGOD sa Malacanang ang mga dating mambabatas at abogado para hilingin sa Office of the President na bitbitin ng palabas ng kanyang opisina si Overall Deputy Ombudsman Melchor Arthur H. Carandang matapos namang tumanggi si Ombudsman Conchita Carpio-Morales na ipatupad ang 90-araw na suspensiyon laban sa opisyal.
“It is respectfully prayed of the honorable office to cause respondent Overall Deputy Ombudsman Melchor Arthur H. Carandang to be bodily or physically remove from office or restrained from the exercise thereof (for a period of 90 days counted from date of actual suspension), through the use of necessary and reasonable force,” sabi ng petisyon na inihain sa Office of the President.
Kabilang sa mga nagsampa ng petisyon ay ang mga abogadong sina Manuelito Luna at Eligio Mallari at ang mga dating kongresista na sina Jacinto “Jing” Paras at Glenn Chong.
“To prevent Carandang from returning to his office and make a mockery of the process, contingents of enforcers may be stationed at or near the entry and exit points of the Ombudsman and empowered to revent such from happening,” ayon pa sa petisyon kung saan nakapirma ang kanilang abogadong si Nasser A. Marohomsalic.
Sinuspinde si Carandang ng Malacanang matapos sampahan ng kaso dahil sa isinagawang imbestigasyon laban kay Pangulong Duterte kaugnay ng kanya mga bank account.
Tumanggi naman si Morales na ipatupad ang kautusan sa pagsasabing hindi sakop ng Malacanang ang mga opisyal ng Office of the Ombudsman.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.