Isabelle Daza hindi feel magpakuha nang nakahubad habang buntis

ISABELLE DAZA

BABY girl ang hula ng Eat Bulaga Dabarkads na sina Pauleen Luna-Sotto, Ruby Rodriguez at Allan K sa magiging anak ng dating ka-Dabarkads na si Isabelle Daza.

Nag-post si Belle ng kanyang buntis pic sa Instagram, at ilang buwan na lang ay manganganak na siya sa panganay nila ng asawang si Adrien Semblat.

“There comes a time in your pregnancy where the people just rub your belly freely and sometimes they end up going too slow and then you’re like ‘ok’. I guess that’s happening,” caption ni Isabelle sa kanyang IG photo.

Pero hindi gumaya si Belle sa ilang buntis na celebs na kahit malaki ang tiyan eh, nagpakuha ng litrato kung hindi one-piece swimsuit eh naka-bikini, huh!

Kapag nanganak na si Belle, magiging lola na ang una nating Miss Universe na si Gloria Diaz.

Read more...