ITINULAK ng mga senador sa minorya ang agarang pagpapalaya kay Sen. Leila de Lima, na isang taon na sa kulungan sa Pebrero 24.
Kabilang sa lumagda sa Senate resolution no. 645 ay sina Senate Minority Leader Franklin Drilon, Sen. Francis Pangilinan, Sen. Antonio Trillanes IV, Sen. Bam Aquino, at Sen. Risa Hontiveros.
“As her colleagues at the Senate, we are pained by the reality that a member of this Chamber is locked up in jail on trumped-up charges when she should be here with us, engaging in productive discusions, legislating laws, and serving her constituents and our country,” sabi ng mga senador sa kalatas.
Iginiit nila na nakulong lamang si de Lima dahil inimbestigahan niya ang umano’y Davao Death Squad (DDS) ni Pangulong Duterte noong siya pa ang chairperson ng Commission on Human Rights (CHR), at ang imbestigasyon sa extrajudicial killings (EJKs) sa bansa.
Dedma naman ang Palasyo sa panawagan ng limang senador.
“Happy first annivesary in detention, Sen. Leila De Lima. As to the call of the senators, that’s up to the courts,” ani Presidential Spokesperson Harry Roque.
Nahaharap si de Lima sa kaso kaugnay ng pamamayagpag umano ng iligal na droga sa loob ng New Bilibid Prison (NBP) nang siya pa ang kalihim ng Department of Justice (DOJ).
“I hope the senators will not politicize our courts. Let our courts function as they should, free from political interference. I’m appealing to the opposition senators, do not influence the judges,” giit niya.
LP senators: Palayain si de Lima
MOST READ
LATEST STORIES
Read more...