Trak vs. trike; 2 patay

Patay ang dalawang lalaki nang masalpok ng 10-wheeler truck ang sinakyan nilang tricycle sa Sta. Maria, Isabela.
Dead on the spot ang driver ng tricycle na si Samson Canceran, 21, at angkas niyang si Crispin Dela Cruz, 32, dahil sa mga pinsala sa ulo’t katawan, ayon sa ulat ng Cagayan Valley regional police.
Nasalpok ng 10-wheeler wing van na dala ni Edmar Lorenzo ang tricycle dakong alas-7:30 ng gabi Martes, sa bahagi ng National Highway na sakop ng Brgy. Poblacion 1.
Minamaneho ni Lorenzo ang trak patungo sa bayan ng Roxas, nang masalpok ang tricycle na minamaneho naman ni Canceran patungo sa direksyon ng Tuguegarao City, Cagayan.
Lumabas sa imbestigasyon na lumipat sa kabilang lane ang trak para unahan ang isa pang sasakyan, pero nasalpok ang kasalubong na tricycle, ayon sa pulisya.

Read more...