Word war sa pagitan ni Sara Duterte at Speaker Alvarez sumiklab

  Hindi pinalagpas ni presidential daughter at Davao City Rep. Sara Duterte-Carpio ang mga pahayag umano ni House Speaker Pantaleon Alvarez.
    Sa kanyang Instagram post, sinabi ni Duterte-Carpio na sinabi ni Alvarez sa ‘crowd’ na ‘President iba siya, Speaker ako, I can always impeach him!’ And you call me opposition? Somebody should really tell the President about the truth.”
    Si Duterte-Carpio ay nagtayo ng political group na Hugpong ng Pagbabago na binubuo ng malalaking politiko sa Region 11 upang suportahan si Pangulong Duterte.
    Sa isa pang post, sinabi ni Duterte-Carpio na: “Kung asshole ka sa Congress, don’t bring that to Davao, leave it in Manila. Somebody should tell the President what you are doing. How dare you call me part of the opposition. Kapal ng mukha mo. You messed with the wrong girl.”
    Sa isang pahayag Itinanggi naman ni Alvarez na tinawag niyang oposisyon si Duterte-Carpio.
      “Alam mo sa totoo lang wala talaga akong sinabi niyan. Hindi ko alam kung saan nanggaling yung kwento na yan pero wala akong sinasabi na part ng opposition. Panong magiging part of the opposition eh part ng administration yan?” tanong ni Alvarez.
    Posible umano na nabigyan ng maling impormasyon ang mayora at naniniwala siya na magkakaayos din sila nito.
    Sa panayam sinabi ni Alvarez na walang masama sa pagtatayo ni Duterte-Carpio ng regional political party sa halip na sumama sa partido ng kanyang ama- ang PDP-Laban.
    “Dun natin makikita na sa politika, yung tinatawag nila minsan dynasty-dynasty alam mo hindi sa lahat ng panahon tama yun na ano ah (magkasundo), kahit na mag-ama yan…. minsan hindi tayo nagkakasundo. Magkapatid naglalaban sa pulitika, paano natin pigilan yun sila mismo naglaban-laban,” ani Alvarez.
      Nagpalabas din ng statement si Duterte-Carpio kaugnay ng pahayag ni Alvarez sa political dynasty
    “The Speaker’s latest media statement that he respects the creation of Hugpong ng Pagbabago or that the unity is a non-issue was unfortunately betrayed by his comment on political dynasties,” ani Duterte-Carpio. “If the Speaker is attacking our effort to do something significant and timely for Region 11, and reducing it as a product of political dynasties, I suggest he pass the Anti-Political Dynasty Law.”

Read more...