Vice: Kung ako magiging pangulo ipapasara ko na yang MRT, laging sira!

 

VICE GANDA

Umawra ang Unkabogable Star na si Vice Ganda sa kontrobersyal na isyu ng MRT, partikular na ang pahirap na dulot nito sa mga pasahero.

Halos araw-araw naman kasi ay laging nagkakaaberya ang mga tren ng MRT kaya palagi ring perwisyo ang inaabot ng madlang pipol. Nakikisimpatya si Vice sa pagsasakripisyo ng mga pasahero sa problemang ito sa MRT.

Kaya sa nakaraang episode ng It’s Showtime, naglabas na ng kanyang saloobin ang TV host-comedian tungkol sa matinding trapik sa Metro Manila, “Dito, meron nang Grab, meron nang Uber, may bus, may kotse, lahat. May motor, lahat ‘yan, kaya saksakan ng dami ng trapik, e.

“’Tapos ang MRT, panay-panay din ang paltik, di ba?” hirit ni Vice na sinegundahan naman ng co-host niyang si Anne Curtis na nagsabing palagi na lang tumitigil ang mga tren.

Hugot pa ni Vice, “Tigil-tigil niyo na ang MRT na ‘yan. Naku, ang mahal-mahal ng tax na ibinayad ko diyan, hindi niyo naman nababagu-bago yung ano na ‘yan, MRT na ‘yan.”

“Laging ngarag, laging kung anu-anong nangyayari, laging sira. Natatakot na yung mga pasahero. Ang haba-haba na ng pila! Kaya ang MRT, kung ako talaga magiging Pangulo, isasara ko na ‘yan, e.

“Isasara ko, tatanggalin ko yung mga tren, titira ko lang yung ganu’n (riles), ta’s sesementuhan ko, gagawin ko na lang siyang park.”

Hirit pa ng komedyante, “Tanggalin yung tren, patagin, gawing lakaran. Tutal, ang mga tao naman naglalakad din diyan, e, pag nasisira. Gawin niyo na lang park, di ba?”

q q q

Ipinagtanggol ni Ethel Booba si Liza Soberano sa mga bashers na kumukuwestyon sa pagiging Pinoy ng dalaga.

Tweet ng komedyana, “More sa sinigang lang talaga kayo nag-focus sa lahat ng qualities na sinabi ni Liza Soberano about sa pagiging Pinoy nya. Sabagay, ‘yang galing natin sa panlalait very Pinoy tayo dyan. Charot!”

Sagot naman ng isang netizen, “Hindi naman ‘yung sinigang ‘yung issue dito. Ang issue dito is ‘yung fact na hindi tama ang representation ng pre-colonial Filipinos.”

Na sinagot ni Ethel ng, “What do you mean na representation ng pre-colonial Filipinos? Casting ba? Remember, Marian Rivera gumanap na Amaya which is historical drama based on pre-colonial Visayas pero tahimik lang kayo noon. Charot!”

“Diba fictional world ang sa Bagani and not pre-colonial Philippines. Kung kulay ang pinapansin ng nakararami di lang kayumanggi ang nabubuhay na Pinoy noon may fair skin din. Charot!” hirit pa niya.

Read more...