Mark umamin: Mahilig sa Barbie doll at Chinese garter


ALIW na aliw kaming basahin ang isang bahagi ng early childhood ni Mark Bautista sa kanyang Beyond The Mark” book.

Bilang nasa gitnang anak among his five siblings, mas madalas daw na girls ang kalaro ni Mark though he also enjoys boys’ games.

Madalas din siyang tuksuhin sa pagkakaroon ng matinis na boses at malamyang kilos lalo pa’t naging host at organizer siya ng beauty contest sa lugar nila noong bagets pa siya.

Hilig din niyang damitan ang mga barbie dolls ng kapatid at makipaglaro ng Chinese garter sa mga kalarong girls.

Kuwela rin yung tsika niyang ini-imagine niyang isa siyang gymnast na bumali-bali sa ere at sa pole vault na pang-Olympics ang emote! Ha-hahahaha!

Ilan lang iyan sa mga nakakatuwa at nakakaaliw na kuwento ni Mark sa kanyang libro.

Read more...