KZ may sinusunod daw na strategy para mag-champion sa Singer 2018 ng China


AGREE rin kami sa strategy ng mga handlers ni KZ Tandingan na pumasok na nga sa regular contenders sa on-going singing search ng China na Singer 2018.

Matapos kasing mag-number one si KZ sa unang pagsabak nito sa contest ay pinakanta naman nila ito ng medley ng tatlong Mandarin songs to please and get the Chinese votes. Yun naman talaga ang objective nila – to penetrate the Chinese community and the easiest way nga is to sing their song and their language, in a very Pinoy-world class way.

At least na-prove ni KZ na keri niyang talbugan kahit ang idol niyang si Jessie J, nang mag-number one siya agad sa elimination round. Sure kaming kahit si Jessie J ay wish ding maka-penetrate sa China.

Kumbaga stepping stone lang ang nasabing kumpetisyon para mas mapadali at makakonek agad ang isang aspirant artist dahil Chinese nga ang organizers at para sa mga Chinese ang show.

Wise move and we believe, mas challenging nga ‘yun for a Pinoy artist na gaya ni KZ na walang inuurungan at inaayawang genre, language o style!

For as long as she has that Pinoy power and Pinoy soul na admired and understood by the all the people all over the world, she can never go wrong!

Read more...