May edad nang aktres nakikipaghalikan sa BF kahit sa public place


HITSURA ng mga milenyal! Ganu’n kung ikumpara ng mga miron ang isang popular na babaeng personalidad at ang kanyang karelasyon sa sobrang pagpapakita ng pagmamahalan sa mga pampublikong lugar.

Mga lumang tao na sila kung tutuusin dahil sa kanilang mga edad, dapat sana’y hindi na sila nagpapakita ng ganu’ng aksiyon, pero wala lang silang pakialam.

Kuwento ng isang source, “Sa mga panahong ito, e, hindi na rin naman big deal ang mga ganu’ng pagpi-PDA, pero nagkakaroon, dahil parang nakakaasiwang makakita ng magkarelasyong nagpapakabagets pa sa paglalambingan nila in public, di ba?

“Parang hindi mo alam kung titingnan mo ba sila o iiwas ka na lang, kasi nga, mga lolo at lola na sila, pero sige pa rin sa pakikipaglambingan sa harap ng mga nakapaligid sa kanila.

“Nakakalokah sila! Imagine, bukod sa magka-holding hands na sila, e, tukaan pa sila nang tukaan na parang mga lovebirds! Kuyangyangan sila nang kuyangyangan na para bang silang dalawa na lang ang natitirang taong nabubuhay sa mundo!

“Wala silang kapaguran! Halikan sila nang halikan! Para bang iniinggit nila ang mga tao sa paligid nila, parang ineengganyo nila ang ibang tao na maglambingan din na tulad nila!” naiinis na kuwento ng aming impormante.

Nu’ng minsang makasabay sa biyahe ng isang grupo ng mga becki ang magkarelasyon ay malapit na silang magtalunan sa bintana ng eroplano dahil sa kanilang nasaksihan.

Balik-kuwento ng aming source, “Nakakalokah ‘yun! Pupunta lang sa CR ang girl, nakabantay pa si lalaki! Para bang nasa isang mataong lugar sila na any moment, e, baka maligaw ang girl sa pagbalik niya sa upuan!

“At bago pumasok ang babae sa CR, e, may kissing scene muna! Magki-kiss muna sila na para bang matagal na panahon silang hindi magkikita! Pinagtatawanan tuloy sila ng mga pasahero ng plane!

“Nakakahiya sila, ha? Tamang mahal na mahal nila ang isa’t isa, pero sana naman, e, hindi na nila ‘yun ipinagbubuyangyangan pa sa publiko! Sa edad nilang ‘yun, ha?

“O, s’ya, s’ya, Bradly Guevarra, Tita Nene Ulanday, Jon at Ching Bautista Silverio, siguradong walang mabobokya sa inyo ngayon! Gooooo!!!!” pagtatapos ng aming source.

Read more...