Gretchen na-bash nang bongga dahil lang sa paghuhugas ng kawali


WHEN Gretchen Barretto demonstrated to her house helpers the proper way to wash the frying fan ay marami ang kumuda.

Sa Instagram video niya, itinuro ni La Greta kung paano ang tamang paglilinis ng kanyang mga frying pan. Sinabi niyang ibabad lang ‘yon sa dishwashing liquid at ‘wag kuskusin. At hindi niya gusto ang isang patak lang kundi maraming patak.

“Mamahalin daw kc kya dapat may tamang procedure ng paghuhugas ng pan nya. Basta naman my Joy at binanlawan mabuti ok na yan,” said one fan.

“Pati ba naman paghugas ng pan? Sabunan mo lang mabuti tapos banlawan mo rin ng mabuti edi ok na,” said another fan.

“Pati paghuhugas ng kawali gagawin ng LAOS para lang mapag usapan. tsk tsk tsk!” say ng isang basher.

“Okay iyang ginagawa ni Gretchen kasi mahal nya ang mga gamit nya at mamahalin pa! Kung hindi turuan ng tama ang katulong tapos magkasala pa! Ay syempre bawasan ang sweldo. Mas mabuti na iyong mag ingat para walang magawang mali. Wala namang masama kung turuan ang mga katulong,” say ng isang supporter ni La Greta.

Read more...