Bianca alay sa mga magulang ang debut party

SA darating na debut party ni Bianca Umali, naghanda siya ng isang tribute para sa mga yumao niyang magulang. Bata pa lang nang mawala ang mommy at daddy niya kaya lumaki siya sa pangangalaga ng kanyang lola.

Pero hindi sila nawala sa puso ng Kapuso star. Ayon kay Bianca, halos tapos na ang preparations para sa kanyang debut at ang pinakaespesyal dito ay ang handog niya para sa kanyang parents.

Masaya si Bianca dahil bukod sa nalalapit niyang birthday, patuloy pa rin ang mga manonood sa pagtutok sa GMA Telebabad series nilang Kambal, Karibal.

Kaya naman abot-langit ang pasalamat niya sa mga walang sawang nanonood sa kwento ng Kambal Karibal na napapanood pa rin after ng Sherlock Jr. sa GMA Telebabad. Inaasahang may espesyal na partisipasyon si Miguel Tanfelix sa kanyang debut party, kaya ‘yan ang dapat abangan ng BiGuel fans.

Read more...