Pauleen walang keber na nagpaka-fangirl sa baguhang Kapuso star

PAULEEN LUNA AT KYLINE ALCANTARA

MAGKASAMA sa Eat Bulaga Lenten drama specials sina Pauleen Luna Sotto at Kambal, Karibal regular na si Kyline Alcantara. Lumabas ang pagiging fan girl ni Poleng nang magkita sila ni Kyline.

Kaya naman ang misis ni Bossing, super-selfie kay Kyline, huh! Ipinost pa niya sa Instagram ang photo nila together pati na ang name ng character ng Kapuso actress sa seryeng Kambal, Karibal.

Maraming humanga kay Pauleen dahil sa pagiging humble nito, imagine, malaking artista na siya pero siya pa talaga ang nagpa-selfie sa isang baguhang tulad ni Kyline na hinahangaan ngayon ng manonood sa seryeng pinagbibidahan nina Miguel Tanfelix at Bianca Umali.

Ang episode sa EB Holy Week dramas ang pagbabalik muli sa acting si Mrs. Sotto matapos manganak. Kasama rin nila rito sina Ruby Rodriguez, Sinon Loresca, Luane Dy at Kenneth Medrano.

Read more...