Luis, Jessy pinaplano na ang ‘destination wedding’

JESSY MENDIOLA AT LUIS MANZANO

“DESTINATION wedding siguro.” Yan ang sagot ni Luis Manzano nang matanong kung saan sila ikakasal ni Jessy Mendiola.

Dugtong pa niya, “Iniisip namin kung saan, may mga choices na kaming iniisip (abroad). Kailangan namin siyempre pumunta kung saan man ‘yon para ma-ocular, ika nga.”

Syempre, kung matutuloy na ang wedding nina Luis at Jessy, siguradong ang pinaka-excited dito ay ang parents niyang sina Vilma Santos at Edu Manzano.

Read more...