Crane bumagsak malapit sa C-5 toll plaza; nagdulot ng matinding trapik

BUMAGSAK ang isang crane ng Metro Pacific Tollways malapit sa C-5 Toll Plaza, dahilan para magdulot ng matinding trapik sa northbound lane.

Sinabi ni  Metropolitan Manila Deveoplment Authority (MMDA) spokesperson Celine Pialago na ganap na alas-2:58 ng hapon nang bumagsak ang nasabing crane sa may bahagi ng C-5 Toll Plaza northbound lane.

Masuwerte naman walang dumadaan na sasakyan nang mangyari ang aksidente.

Bumulandra sa gitna ng northbound lane ang nasabing crane kayat nagdulot ng napakatinding trapik.

 

Read more...