P64M jackpot ng 6/55 tinamaan

  Isa ang nanalo ng P64.2 milyong jackpot prize ng Grand Lotto 6/55 sa bola Lunes ng gabi.
    Ayon sa Philippine Charity Sweepstakes Office isa ang tumaya sa winning number combination na 16-34-19-24-02-18.
    Ang nanalo ay mayroong isang taon para kunin ang kanyang premyo sa main office ng PCSO.
    Nanalo naman ng tig-P81,910 ang 12 mananaya na nakakuha ng limang lumabas na numero.
    Tig-P680 naman ang 1,156 mananaya na nakaapat na numero at balik ang P20 taya ng 20,614 mananaya na nakatatlong numero.

Read more...