Hugot movie nina Carlo at Bela kumita na ng P60M

CARLO AQUINO AT BELA PADILLA

IN fairness, maganda rin ang box-office results ng pelikulang “Meet Me In St. Gallen” nina Carlo Aquino at Bela Padilla.

Balitang kumita na ito ng mahigit P60 million sa dalawang linggong pagpapalabas nito sa mga sinehan.

Ito na raw ang “top grossing local movie date of the season”.

Sa Instagram, pinasalamatan ng Viva Artists Agency ang lahat ng mga sumuporta sa pelikula at patuloy na pumupila sa mga sinehan para manood.

Milestone na rin itong maitururing para sa Spring Films at Viva Films na siyang producer ng movie dahil may mga nakasabay din itong malalakas na date movie sa bansa.

Ibig sabihin lang nito, talagang maganda ang pelikula dahil marami pa rin ang gustong makapanood nito. Siguradong super happy ngayon sina Bela at Carlo dahil tinanggap ng madlang pipol ang kanilang tambalan.

Read more...