Aga, Charlene payag mag-showbiz ang kambal na anak pero sa 1 kundisyon…

AGA MUHLACH, CHARLENE GONZALES, ANDRES AT ATASHA

MAGKASAMANG humarap sa mga miyembro ng entertainment media at ilang bloggers last weekend ang mag-asawang Aga Muhlach at Charlene Gonzales kasama ang kambal na anak na sina Atasha at Andres.

Ito’y para sa bago nilang TV commercial for Jollibee, ang “Mula Noon Hanggang Ngayon” ad campaign.

“Memories of course, there’s no denying that Jollibee will always play a big part sa pamilya namin,” ani Aga nang tanungin kung ano ang naramdaman niya ngayong kasama na niya sa presscon si Charlene at ang dalawang anak.

At dahil binatilyo at dalagita na sina Andres at Atasha panay ang tanong sa mga bagets kung plano na rin nilang pasukin ang showbiz. Natawa ang mag-asawang Charlene at Aga sa tanong ng press, “Well, I’ll let them decide on their own,” mabilis na sagot ng aktor.

Ani Andres, “As of now, I’m more focus on my studies because I have a commitment to myself and to my parents that I would finish school first. If interested (showbiz), maybe.”

Sabi naman ni Atasha, “Whatever happens, happens but studies first, school first.”

Hirit ni Charlene, “Yes, I think they made that promise to us and that was one of the things that we really wish for our children, to finish their studies first. Siguro pagdating ng panahon after they finish, then they can decide na. But for now, enjoy first their studies, they’re only 16.

“And this is the first time na lumabas sila that Aga and I feel that it’s time because they’re older now.

Kasi when they’re were still kids, parang shinelter namin sila, now that they’re older, slowly, right (sabay tingin sa kambal)?

Aware naman ang mag-asawa na darating ang araw na papasukin din ng kambal ang showbiz.

“We will support them whatever path they would choose, kami ni Aga we’re always grateful sa showbiz industry and our family. If they decide when they finish school that they want to and they’re open to this path, that will be their decision, but for now (studies first),” pahayag ulit ni Charlene.

Dahil unang beses humarap ang kabal sa media ay tinanong sina Aga at Charlene kung paano nila inihanda ang mga anak, “We just wanted them to be themselves, to be as natural as possible, just be them.”

As of now ay hindi pa alam ni Andres kung ano ang gusto niyag pasukin, ang pag-arte o maging host tulad ng mama niya, “I’m not sure yet, but I’m open to do commercials,” ani Andres.

Natigilan ang binatilyo sa tanong kung single siya ngayon, “No, yes!” sabay tingin sa ama na ikinagulat din ni Aga dahil parang na-off guard ang anak.

Bawal bang magkaroon ng girlfriend si Andres, “Hindi naman bawal, I won’t stop kung may crush ka or magkaroon siya ng girlfriend, I’ll never stop that naman. I just had to prepare myself. Ha-hahahaha!” sabi ni Charlene na sinegundahan naman ni Aga.

Singit naman ni Andres, “They know, they’re trying to prepare especially when my dad found out,” kaswal na sagot ng binatilyo.

Sa madaling salita, mas mahigpit ang mama ng kambal kaysa sa daddy nila, “I don’t know, maybe both,” natawang sagot ni Andres.

Ano naman ang gusto ni Atasha, acting or hosting? “I’m not sure yet, maybe acting because it’s more fun and I enjoyed doing the commercials.”

Papasukin din ba niya ang mundo ng beauty pageant? “We’ll see if the opportunity is there, then why not, but for now, school first.”

***

Samantala, nu’ng kinuha ng Jollibee si Aga bilang endorser ng Chickenjoy ay nasa 20 stores palang noon (1994), pero ngayon ay nasa mahigit 1,000 branches na.

Say nga ni Aga, “Talagang mula noon hanggang ngayon, Chickenjoy has been a constant presence in my life not only because of all the projects I did with Jollibee, but because it really is my favorite, naming lahat.”

Read more...