Mahigit 1K pasahero ng MRT pinababa

MRT

Mahigit 1,000 pasahero ang pinababa sa tren ng Metro Rail Transit Line 3 ng magkaroon ng problema ang preno nito kaninang umaga.

Ang tren ay pa-southbound ng masira sa pagitan ng Ortigas at Shaw Boulevard stations alas-6:32 ng umaga.

Alas-7:09 ng maibalik ang nasirang tren sa depot upang suriin at ayusin.
Isa umano sa maaaring sanhi nito ay ang lumang mga piyesa ng electrical system.

Read more...