Sinabi ni Pia Ranada, Palace beat reporter ng Rappler na sinabi ng mga PSG na galing ang kautusan mula sa “itaas”.
Nangyari ang pagpigil kay Ranada isang araw matapos na humarap sa pagdinig ng Senado si Special Assistant to the President (SAP) Christopher “Bong” Go kaugnay ng alegasyon na nakialam siya sa kontrata ng frigates project ng Philippine Navy.
“Am sure galing kay Bong Go yung order,” sabi ni Ranada.
Nauna nang sinabi ni Go na biktima siya ng “fake news” kaugnay ng ulat na lumabas sa Rappler at sa Philippine Daily Inquirer.
Nakaapela pa ang desisyon ng Securities and Exchange Commission (SEC) matapos tanggalan ng lisensiya ang Rappler para magsagawa ng operasyon.