Angelica: Ikamamatay ko itong kabang nararamdaman ko!’

ANGELICA PANGANIBAN AT CARLO AQUINO

NILILIGAWAN na nga ba uli ni Carlo Aquino ang ex-girlfriend niyang si Angelica Panganiban?

‘Yan ang tanong ngayon ng kanilang mga fans matapos kumalat ang kanilang video na kuha raw sa isang bar kasama ang kanilang mga kaibigan nitong nakaraang Valentine’s day.

Bukod pa ito sa isang video na ipinost mismo ni Angelica sa kanyang Instagram account kung saan makikitang nakiki-jam si Carlo sa tumutugtog na banda.

At bago pa ang kanilang viral video, pinakilig na nila ang publiko nang i-share ni Angelica sa Instagram ang litrato ng mga bulaklak na ibinigay sa kanya ni Carlo na may caption na: “Hinusayan! One point ka sa akin.”

Nitong nagdaang weekend, muling pinakilig nina Angelica at Carlo ang mga netizens sa palitan nila ng mensahe sa Twitter.

Tweet ni Angelica, “Ikamamatay ko itong kaba na nararamdaman ko.” Na sinagot naman ni Carlo ng, “Hindi ka naman namatay. Bumangon ka sa paghimlay. Pinakita mong sila ang patay pag nakabangon ka!”

Dahil dito, naniniwala ang CarGel fans na posibleng nagkakamabutihan na uli ang mag-ex at mas lalo siyang matutuwa kapag nagkabalikan nga ang dalawa.

Sa huling panayam namin kay Carlo sa presscon ng pelikula nila ni Bela Padilla na “Meet Me In St. Gallen” na palabas pa rin hanggang ngayon sa mga sinehan, sinabi ng binata na isa si Angelica sa mga babaeng hinding-hindi niya makakalimutan.

Read more...