Hiwalayang KC-Aly pinagpiyestahan sa socmed

KC CONCEPCION AT ALY BORROMEO

MAS lalong umingay ang balitang hiwalay na sina KC Concepcion at Aly Borromeo dahil walang ipinost na photos ang dalawa noong Araw ng mga Puso.

Nagtataka kasi ang social media followers ng dalawa dahil parang unusual ang pagiging “silent” ng magdyowa last Valentine’s day kumpara sa mga previous celebration nila noong mga nakaraang taon.

Sa katunayan, Nov. 19, 2017 pa ang huling post ni KC sa Instagram ng photo nila ni Aly, ito yung magazine kung saan sila ang nasa cover. Huli namang nag-post si Aly sa IG niya noong Dec. 11, 2017, ito rin ‘yung magazine cover nila ng dalaga.

May ipinost na photo si KC noong Feb. 14, ito ‘yung picture ng isang erd rose. Pero wala siyang binanggit na tungkol kay Aly. Kaya naman ang paniniwala ng madlang pipol, totoo ang chika na hiwalay na sila.

Well, to see is to believe!

Read more...