Anne binatikos sa biniling P.5M halaga ng sapatos

AS a gift to herself on her birthday ay binilhan ni Anne Curtis ang kanyang sarili ng isang Yves Saint Laurent glitter boots.

She posted the photo of her wearing the boots. Ang ilan sa Hollywood celebrities na merong ganitong boots ay sina Beyonce, Kim Kardashian, Kendall Jenner, and Celine Dion.

The boots reportedly cost $10,000 and when it is converted to peso ay more than P500,000 ang halaga nito.

“Seems sinful to have something so expensive in a country where so many live in poverty, imo,” wailed one basher of Anne.

“Kanya kanyang hilig iyan at kung saan siya masaya at kung saan niya gastusin ang pera niya ay nasa sa kanya na iyan,” said one fan of Anne.

Wala namang masama sa ginawa ni Anne. Pera naman niya ang ginastos niya, so wala dapat pakialam ang sinuman kung bumili siya ng isang mamahaling bagay. Hindi naman niya hiningi sa ibang tao ang pinambili niya ng boots, so ano’ng pakialam ninyo?

Read more...