Vaness nagpakasal sa Baguio, wedding gown agaw-eksena


IKINASAL na ang Kapuso actress na si Vaness del Moral. Walang detalyeng ipinost sa Instagram ang GMA Artist Center kundi ang kuha niyang nilalagyan ng makeup at inaayos ang buhok.

Balitang sa Pinewoods Golf & Country Club Estate sa Baguio City naganap ang kasalan.

Ibinahagi naman ni Vaness ang ilan sa mga accessories at sapatos na gagamitin niya sa kasal.

Ang fashion designer na si Albert Andrada ang nag-post ng ilang detalye sa bridal gown na isusuot ng aktres na siya rin ang gumawa.

Si Albert din ang nag-post ng ilang litrato na kuha sa ginanap na intimate wedding. Isang non-showbiz guy named Matt Kier ang pinakasalan ni Vaness, pero wala kaming idea kung ano ang profession niya.

Read more...