Pakiusap ni Yasmien para sa mga may AIDS: Wag natin silang husgahan!

“HUWAG natin silang husgahan!” Yan ang mensahe ni Yasmien Kurdi sa para sa lahat patungkol sa mga taong may HIV/AIDS.

Bibida sina Yasmien, Mike Tan, Martin del Rosario at Jackie Rice sa bagong afternoon serye ng ng GMA na Hindi Ko Kayang Iwan Ka. Tinawag nila itong advoca-serye dahil nga nais ng programa na makapagbigay rin ng awareness tungkol sa AIDS.

Bukod sa napakagandang istorya ng HKKIK na malapit n’yo nang mapanood sa GMA Afternoon Prime, marami ring matututunan ang manonood tungkol sa HIV, “Actually, maganda talaga itong soap na ‘to. Hindi siya yung usual na kabitserye. It’s an advoca-serye.

“Hindi pa rin mawawala yung mga cat fights, tarayan, sampalan, pero mas lamang yung advocacy to educate people about AIDS” paliwanag ni Yasmien na gaganap bilang AIDS victim sa serye.

“Dito natutunan ko, do not judge. Do not judge the person na madumi siya (may HIV/AIDS) without knowing, intindihin natin sila at suportahan,” sey pa ng Kapuso actress.

May kilala rin daw siya na namatay sa AIDS, pero ayaw na niya itong pangalanan, AIDS. “Si Direk Maryo (delos Reyes) nga, sabi niya malapit sa puso niya ang show na ‘to. Kasi, meron siyang friend na couple sila, meron silang HIV.

“Pero yung mga anak nila, negative yata or something. May mga taong ayaw magsalita at nahihiya sila siyempre.

“Pero you know, isipin na lang natin na paano kung ikaw yun. Kailangan lang siguro, more on education kung saan nakukuha ang HIV more awareness,” chika pa ni Yasmien.

Sa pagkakaalam namin, ang yumaong si direk Maryo sana ang magdidirek ng Hindi Ko Kayang Iwan Ka, pero hindi ito natuloy kaya ibinigay ng GMA management kay Neal del Rosario ang proyekto.

Sabi pa ni Yasmien, sana’y makatulong kahit paano ang kanilang serye sa paglaban ng pamahalaan at ng iba pang private organization kontra AIDS, “It’s very alarming, tayo na, ang Philippines ang number 1 na may bilang ng HIV At pabata na nang pabata ang nagkakaroon like 13, 14 years old.”

q q q

Nang malaman naman ni Martin del Rosario ang advocacy ng Hindi Ko Kayang Iwan Ka, agad niyang tinanggap ang offer para gampanan ang role ng isang babaerong may HIV.

“Hindi na ako nag-second thoughts, nu’ng nalaman ko yung buong story, tinanggap ko na agad. And iyon, lalo na about HIV, may kilala kasi ako na may HIV.

“Meron, isa lang yung kilala ko. Pero okey naman siya tapos, okey naman, parang masaya, normal. Friend of a friend. Pag nakikita mo siya, normal,” kuwento ng binata.

Walang problema sa kanya ang makipagkaibigan sa mga may HIV, “Aware naman ako kung paano ka lang mahahawa, informed naman ako. Ang balita ko nagre-retroviral (medicine) siya, para makontrol, tsaka matagal ko na siyang kakilala pero until now healthy, wala naman akong nababalitaang isinugod siya sa hospital.

“Sabi naman kapag sinusunod mo yung gamot mo lagi, puwede kang makipag-sex tapos hindi ka na makakahawa pero siyempre may maintenance yun na bawal na bitawan,” paliwanag pa ni Martin.

Read more...