GabRu pampa-good vibes ng mga Pinoy, kilig overload

 

BILANG certified hit at trending gabi-gabi ang GMA Telebabad series na Sherlock Jr., parami rin nang parami ang tumututok at kinikilig sa tambalang GabRu.

Sa mga kumakalat nga na BTS (behind the scene) photos online kung saan makikita ang kulitan at sweetness nina Gabbi Garcia at Ruru Madrid, kitang-kita na undeniable talaga ang magandang chemistry ng dalawa.

Komento nga ng isang netizen, “Grabe kayo GabRu! Solid pa rin ang paghanga ko sa inyo. We love you always and forever! Uwian na, may nanalo na! Ginagalingan eh!”

Samantala, sa pagpapatuloy ng kuwento ng Sherlock Jr, ligtas na sa peligro si Siri mula sa bala na tumama sa kanya. Laking pasalamat din ni Jack (Ruru) kay Lily (Gabbi) dahil sa pagligtas nito kay Siri.

Ito na kaya ang simula ng pagkakalapit ng dalawa? Tutukan lang ang Sherlock Jr. gabi-gabi sa GMA para sa kilig overload at pa-mystery na mga eksena!

Read more...