Payo kay Kris: Wag nang bumaba sa level ng mga trolls

 


HASN’T Kris Aquino learned to choose her battles?

The answer appears to be mukhang hindi, judging from her replies sa kanyang mga bashers nitong mga nagdaang araw.

Una ay ‘yung paratang na isang magnanakaw si Kris. We resonate Kris’ line of defense sa isyung ito, she being one of the proud tax payers ay aakusahang nangungulimbat?

Sinundan ito ng reference tungkol sa mistress made by another basher. Ang pagkakamali ng basher, of all na maaaring gawing halimbawa—the ones who commit moral transgressions—ay kabit pa ang ginamit.

But it’s a known fact— kundi man something that Kris takes pride in—na aminadong once upon a time during her kagagahan days ay naging the “other woman” si Kris.

As a consequence, a trade of barbs followed sa pagitan ni Kris at ng kanyang mga bashers, when obviously ay alam ni Kris na hindi kapatul-patol ang mga isyung ‘yon raised deliberately by people na nananadyang buwisitin lang siya.

Clearly, it’s the usual asar-talo case—kung saan sa pagkakataong ito—it’s Kris who threw in the towel. Naasar siya, puwes, siya ang natalo while her bashers rejoice in jubilation.

Kinokontra tuloy ni Kris ang kanyang panuntunan sa buhay as regards getting the flak from netizens, ibang-iba kasi ito sa ‘di niya pagpatol weeks ago sa has-been broadcaster na si Jay Sonza who picked on her son Bimby naman on the latter’s gay-like behavior.

Kung nakuhang pairalin ni Kris ang “dignified silence is the best reply to slander” (from Norman Vincent Peales’s essay titled How To Deal With Criticism) bilang tugon sa pambabalahura ni Jay, why couldn’t she adopt the same stance lalo’t mga trolls pa ang mga ito?

Totoong pinapanawan din ng pasensiya ang isang artista, they’re like anyone of us who get hurt, agitated, provoked, etcetera, most especially if issues hurled against them are farthest from truth.

In the same breadth na hindi natin masisisi si Luis Manzano na masaganang umaani ng “patola” for stooping down to the gutter level of his moronic bashers.

Pero iba ang akusasyon kay Luis as the insults directed to Kris are just as different.

Having just turned 47, dapat ay wiser na si Kris with yet another bountiful year added to her age. Sa sobrang kaabalahan nga niya sa kanyang trabaho (partida ang kawalan niya ng TV work), Kris shouldn’t squander her precious time on these scums of the earth.

Read more...