Kuya Kim pumayag magpa-tattoo para sa ika-101 taon ni Apo Whang-od

SA kauna-unahang pagkakataon nagpa-tattoo ang Kapamilya TV host na si Kim Atienza bilang pagpupugay sa sikat na mambabatok na si Apo Whang-od.

Talagang nagtungo pa si Kuya Kim sa Buscalan, Mountain Province para lang makita nang personal si Apo Whang-od at para ma-experience na rin kung ano ang feeling na matatuan ng tinaguriang huling mambabatok ng kanyang henerasyon.

Sa kanyang Instagram account, ipinost ni Kuya Kim nitong weekend ang litrato ng kanyang cross-shaped tattoo kasama si Apo Whang-od at iba pang kasamahan nito sa Buscalan.

“My first tattoo to celebrate #ApoWangod ‘s 101st birthday and @matanglawintv ‘s 10th anniversary.

What an honor and privilege to be here! Thank you for the cross Lord!” ang inilagay na caption ni Kuya Kim sa kanyang IG post.

Hindi lang sa Pilipinas kilala si Apo Whang-od bilang traditional tattoo artist, dinadayo rin siya ng mga turista mula sa iba’t ibang panig ng mundo. Nag-celebrate siya ng kanyang ika-101 taon kahapon.

Read more...