Sugatan sina 1Lt. Jano Cyril Reyes, Pfc. Maguncia, Pfc. Purol, Pfc. Crispo, at Pvt. Ramirez, pawang mga miyembro ng Army 57th Infantry Battalion, sabi ni Senior Insp. Jemar delos Santos, tagapagsalita ng Autonomous Region in Muslim Mindanao police.
Naganap ang pagsabog sa Meta bridge, Brgy. Meta, dakong alas-7:30.
Dumadaan noon si Reyes at mga kapwa kawal sa tulay, sakay ng KM-450 truck na minaneho ni Crispo, ani Delos Santos.
Dinala ang mga sugatan sa Integrated Provincial Health Office para malunasan.
Nagsasagawa ngayon ng imbestigasyon para matukoy kung sinong mga nasa likod ng pag-atake, sabi ni Chief Supt. Graciano Mijares, direktor ng ARMM police.
MOST READ
LATEST STORIES