2 hati sa P332M jackpot ng Ultra Lotto

Dalawang mananaya ang maghahati sa P331.9 milyong jackpot prize ng Ultra Lotto 6/55 sa bola noong Biyernes ng gabi.
    Ayon kay Alexander Balutan, general manager ng Philippine Charity Sweepstakes Office, ang mga nanalo ay tumaya sa lotto outlet ni Luz S.B. Camacho sa TG Properties, Brgy. Paciano, Calamba City, Laguna at outlet ni Rodolfo Gervacio sa LRM Complex, Gen. Alejo Santos Hi-way, Poblacion, Bustos, Bulacan.
    Ang dalawa ang nakakuha sa winning number combination na 15-31-28-25-42-11.
    Ang Ultra Lotto ay binobola tuwing Martes, Biyernes at Linggo.
    Balik sa P50 milyon ang jackpot prize ng Ultra Lotto.

Read more...