SAP Bong Go sasabihin ang lahat- Palasyo

TINIYAK ng Palasyo na sasabihin lahat ni Special Assistant to the President (SAP) Christopher “Bong” Go ang nalalaman sa kanyang pagharap bukas sa pagdinig ng Senado matapos ang alegasyong nakialam siya sa frigate project ng Philippine Navy.

Sinabi ni Presidential Spokesperson Harry Roque na magandang oportunidad ang pagharap ni Go sa Senado para marinig ang kanyang panig kaugnay ng isyu.

“Expect Secretary Go to tell all, and as instructed by the President, he would likely demand for an open and transparent Senate inquiry to show that he – and the Administration – has nothing to hide as he would squarely answer questions, in full view of the public,” sabi ni Roque.

Nauna nang napaulat na inendorso umano Go ang isang kontratista para sa proyekto.

“We reiterate that the allegations against SAP Go are untrue and unfounded.  It was the Aquino administration which chose Hyundai Heavy Industries (HHI) as supplier of the two frigates, including the supply of the boat, the navigation, the communications, and the combat management systems (CMS).  It was also during the previous administration that Hyundai was declared the responsive bidder and awarded the two frigates, including the CMS,” giit ni Roque.

Kampante naman si Roque na lalabas ang buong katotohanan sa isasagawang pagdinig ng Senado.

“The whole truth would finally be known.  Asahan na bukas (ngayong araw) ay lalabas at lalabas na ang pagkakasangkot kay SAP Go ay kuryente lamang, o pekeng balita na pilit na inuugnay sa Administrasyon,” ayon pa kay Roque.

Read more...