‘Fight For My Way’ nina Park Seo Joon at Kim Ji Won magpapakilig na sa GMA


NAGBABALIK-KAPUSO sina Park Seo Joon ng Pretty Woman at Kim Ji Won ng Descendants of the Sun.

Sila ang bibida sa nakakakilig at relatable na Korean drama Fight For My Way simula ngayong Lunes, Peb. 19.

Iikot ang kuwento ng top-rating K-Drama sa buhay ng apat na magkakaibigang sina Johann (Park Seo Joon), Ara (Kim Ji Won), Bobby (Ahn Jae Hong) at Liza (Song Ha Yoon). Lumaki silang magkakasama at sabay-sabay din nilang hinaharap ang mga problema at kabiguan sa kanilang pangarap.

Isang sikat na atleta ng Taekwondo noong kabataan niya si Johann, pero kinailangan niyang isakripisyo ang pangarap para tustusan ang pangangailangan ng kapatid niyang maysakit.

Hindi naman umalis sa kanyang tabi ang best friend na si Ara kahit siya mismo ay nahihirapang tuparin ang pangarap na maging TV announcer. Ang dalawa pa niyang kaibigan na sina Bobby at Liza ay masaya namang namumuhay nang magkasama, pero dahil sa mga personal na problema ay malalagay sa alanganin ang kanilang relasyon.

Makatulong kaya ang mga pagsubok na ito sa kanilang pagkakaibigan o mas maging dahilan ito ng hindi pag-abot sa kanilang mga pangarap? Sundan ang kanilang kwento mula Lunes hanggang Huwebes pagkatapos ng The One That Got Away sa GMA Telebabad.

Read more...