‘R3.0’ concert ni Regine bibirit uli sa SNBO

HANDOG ng GMA Network ang pinakainaabangang concert ng Asia’s Songbird na si Regine Velasquez-Alcasid na “R3.0” sa Sunday Night Box Office (SNBO) ngayong Linggo ng gabi.

Sa pagdiriwang niya ng ika-30 taon sa industriya, muling mapanganga sa harap ng nag-iisang Songbird sa pagbirit ng kanyang mga iconic songs, makabagong kanta, maging mga duets at group numbers kasama ang mga kaibigan niya sa showbiz.

Balikan din ang dekada 90 kasama ang original “Do Re Mi” trio – ang muling pagsasama sa stage nina Regine, Donna Cruz-Larrazabal at Mikee Cojuangco-Jaworski kasama ang unico hijo ni Regine na si Nate Alcasid.

Hindi rin siyempre mawawala sa eksena ang Singer-Songwriter at kabiyak ng puso niyang si Ogie Alcasid na magpapakitang gilas naman sa pagbibigay ng iba’t ibang bersyon ng mga sikat na OPM songs.

Nandiyan din ang kanyang special guests na sina Jed Madela, Erik Santos at Mark Bautista.

Huwag palampasin ang unang bahagi ng “R3.0” concert ng Asia’s Songbird sa SNBO ngayong Linggo pagkatapos ng Kapuso Mo, Jessica Soho.

Read more...