Alden libreng makapag-aaral sa culinary school ni Chef Boy

ILILIBRE si Alden Richards sa culinary school ni Chef Boy Logro kapag nagkaroon siya ng oras para mag-training.

Nang bumisita ang Pambansang Bae sa Idol sa Kusina ni Chef Boy, inilahad niya ang pangarap niyang maging sous chef.

Si Chef Boy ang owner ng culinary school na CLICKS o Chef Logros Institute of Culinary Kitchen Services.

“Puwede ba akong mag-training sa ‘yo kapag may time na ako?” tanong ni Alden kay Chef Boy.

“Yes, for free! One day. Kapag may time ka, come to my school,” tugon naman ng celebrity chef.

Mahilig daw si Alden sa masasarap na pagkain kaya gusto niyang maging sous chef, “Alam mo naman ‘yang cooking. Malapit sa ano…sa stomach ‘yan kasi mahilig akong kumain,” saad ni Alden.

May-ari si Alden ng Concha’s Garden Restaurant kaya hinimok siya ni Chef Boy na mahalagang matutunan ang pagluluto.

Read more...