Regine bumilib sa tapang ni Nate nang magsabay ang lagnat at allergy

REGINE VELASQUEZ AT NATE

KALMADO na ang loob ni Regine Velasquez-Alcasid nang pumunta sa Cebu City para sa audition ng bagong singing search na iho-host niya sa GMA, ang The Clash. Magaling-galing na rin kasi ang sakit ng anak niyang si Nate bago siya lumipad pa-Cebu.

Bago pa man ang Valentine concert niyang “#PaMore” ay may lagnat na si Nate. Eh, nagkaroon pa ng allergy sa mukha ang bagets kaya lalo siyang nag-alala. Mabuti na lang daw at mabait ang anak at walang reklamo.

“He could only cry out of frustration but that’s it,” bahagi ng post ni Regine sa kanyang Instagram.

Pero kahit inaalagaan si Nate, tulong din siya sa pag-post sa IG sa pagbalitang lumabas na ang single ni Leila Alcasid, ang “Completely in Love”, na puwede nang ma-download.

q q q

Nagbukas na kahapon ang Heroes Barber Shop & NailLandia. Located ito sa E. Rodriguez Avenue corner Tomas Morato, sa Q.C.

Ang Eat Bulaga male group na The Baes ang modelo ng barber shop kung saan tatratuhing parang “bayani” ang customers na pupunta roon.

Pero hindi lang buhok ang services na handog ng Heroes & Nailandia dahil complete grooming ang mararanasan ng customer.

So ‘yung fans nina EB Baes Kim, Kenneth, Jon, Joel, Tommy at Miggy, sugod na sa Heroes & Nailandia!

Read more...