Love story nina Marian at Dingdong bumandera sa Japan


GOING places talaga ang love story nina Dingdong Dantes at Marian Rivera. Aba, ang romansa nila ay featured sa isang Japan-based magazine na Philippine Digest sa February edition nito.

Lumabas doon ang ilan sa highlights ng kanilang relasyon na nagsimula sa TV na hanggang ngayon nga ay nagsisilbing inspirasyon sa mga Pinoy sa buong mundo.

“From Reel To Forever” ang title ng nasabing article. Agad namang nag-order ng kopya ang ilang followers sa Instgram ng magazine.

Ayon naman sa Twitter account ng GMA 7, circulated sa mahigit 600 distribution points across Japan ang Philippine Digest.

Read more...