Maymay marespetong bata, nag-sorry kay Jed Madela

 

NAG-SORRY si Maymay Entrata kay Jed Madela matapos nilang ma-miss ni Edward Barber ang Valentine concert nito sa KIA Theater.

Very open si Jed sa pagsasabing isa siya sa milyun-milyong fans ng MayWard loveteam kaya talagang inimbita niya ang mga ito, sa katunayan isa sa segment ng kanyang “All About Love” concert ang inihandog niya sa dalawang bagets.

Lagi ring sinasabi nina Maymay at Edward na isa sa mga idol nila sa kantahan si Jed.

Sa kanyang Twitter account, humingi ng paumanhin si Maymay kay Jed at sinabing late nang natapos ang taping nila ni Edward. Tweet ng dalaga, “Kakauwi lang galing taping…Pasensya po talaga Sir @jedmadela kung hindi po kami nakahabol. Pero itong kantang ‘to, memorable po sa amin. Maraming salamat po, Sir Jed.”

Ang kantang “Perfect” ni Ed Sheeran ay inalay ni Jed sa lahat ng couples sa audience sabay sabing, “Most especially to two people who tried their best to come tonight,” na ang tinutukoy nga ay sina Maymay at Edward.

Read more...