Maymay, Edward tinawag na Pambansang Pakilig; MayWard fans nag-promise

MARAMI ang kinilig when Maymay Entrata posted a photo of a pendant which she received during Valentine’s Day.

What made them more kilig ay ang romantic message na nakaukit sa pendant: “You are my heart.”

Although Maymay didn’t say kung sino ang nagbigay sa kanya ng pendant, all her fans are saying na ang ka-love team niyang si Edward Barber ang nagbigay nito.

The IG photo of the pendant has reached 65,903 likes. Kilig na kilig ang fans ng dalawa sa kanilang messages sa IG post ni Maymay. May tumawag pa nga sa kanilang Pambansang Pakilig.

“Si Edwardo nagbigay kasi di ba sabi nya may surprise siya nung interview sila ni momshie Darla.”

“Pahingi po ng isang Edward. Hahahahaha! Ang sweet naman talaga. Kaya MayWard para sakin is da best forever.”

“Ang kaligayahan mo, ay kaligayahan na rin namin. Kaya huwag kang mag-atubili na magmahal ng isang taong walang ibang iniisip kundi ang kaligayahan at kapakanan mo. Go at huwag kang mag-alala nandito lang kami palaging nakasuporta sa inyong dalawa.

“Dyan mo nga kami masusubok kung hanggang saan ang pagiging tagahanga sa inyong dalawa. Basta be humble always, put your feet on the ground. And let God be the center of your relationship.”

“Ay grabi c Mayang! Haba ng hair. Kilig much! Love you baby girl. Kiligpamore!”

 

Read more...