Warning ni Kris sa mga celeb: Mag-ingat sa mga stlaker...totoo sila! Bandera

Warning ni Kris sa mga celeb: Mag-ingat sa mga stlaker…totoo sila!

Reggee Bonoan |February 18,2018
share this

Warning ni Kris sa mga celeb: Mag-ingat sa mga stlaker…totoo sila!

Reggee Bonoan February 18, 2018 - 12:01 AM


MARAMING nagulat na sumusubaybay kay Kris Aquino sa Instagram nang mag-post siya ilang oras bago ang kaarawan niya nitong Peb. 14.

Kuwento ni Kris, “While they (Joshua at Bimby) peacefully snore (we had a scare last night w/c has now made me re-evaluate the wisdom in not sharing ‘real time’ pics of our vacations – just a warning to other high profile celebs-‘stalkers’ are real & this man caused us so much stress.)

“I am speaking w/ FINALITY – these 2 boys are it for me. They are all the love, responsibility, and reassurance my existence shall ever need. They are my beginning & my ending… #nagsalitanaponangpatapossaarawngmgapuso.”

Kaagad namang nag-alala ang lahat ng followers ni Kris dahil sa taong nakaakyat sa kanilang unit at pinayuhan siyang mag-ingat parati.

Samantala, sa saktong araw ng kapanganakan ni Kris ay nag-post siya ng pasasalamat, “You were given this life because you are strong enough to live it.” FOUNDED: February 14,1971 TESTED & AUTHENTICATED: DAILY. (Thank you for all your birthday greetings).”

May ipinost ding video si Kris na kinakantahan siya nina Josh at Bimby ng “Happy Birthday” na hawak ang red balloons na may nakasulat na “mama” at may korteng puso na nakasulat na “Happy Birthday.”

Tuwang-tuwa si Kris at nag-I love you siya sa mga anak na sinagot naman ni Bimby ng, “I love you, this is 76 dollars (presyo ng mga lobo).” Sabi agad ng mama niya, “Don’t say how much.”

The hottest celebrity news delivered to your inbox

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Subscribe to the hottest celebrity news

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and
acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending