KZ pinaiyak ni Jake Zyrus: Mang-aaway talaga ako para sa kanya!


NAPAIYAK si KZ Tandingan matapos marinig ang mensahe ni Jake Zyrus sa Magandang Buhay kahapon.

“Mahal ko yan. Bakit ba ako pinapaiyak nitong si Madame? Madame pa rin ang tawag ko sa kanya. Kasi grabe rin ang pinagdaanan niyan, eh. Makikipag-away talaga ako kapag may nang-away sa kanya,” ani KZ.

Aniya, wala siya sa kinaroroonan niya ngayon kundi kay Jake (Charice pa noon) na naging mentor niya sa The X Factor Philippines noong 2012.

“Yung ibang tao pinagtatawanan siya, inaaway siya. Pero siya ang isa sa mga taong naniwala na kaya ko kaya mahal na mahal ko yan,” sey ni KZ.

Sa lahat ng mga hindi pa rin nakakaintindi kay Jake Zyrus, “Sana suportahan na lang natin siya kung saan siya masaya kasi hindi naman niya kayo inaano, hayaan na lang natin siyang maging masaya. Mahal na mahal kita Madame.”

Read more...