Ugali ni Alden nagmarka sa mga Pinoy, OFW sa Australia

ALDEN RICHARDS

KAPAG panahon talaga ng kasikatan ng artista ay walang magagawa ang mga bashers magkapit-bisig man sila. Kahit pa araw-araw nilang upakan ang personalidad ay hindi ‘yun makaaapekto sa katanyagan ng isang artista.

Tulad na lang ni Alden Richards. Ilang beses na ba siyang binabanat-banatan ng mga taong walang nakikitang positibo sa kanya?

Halos araw-araw siyang ginagawang pulutan ng tropa, lahat na lang ng klase ng upak ay ibinato na laban sa kanya, pero ayan pa rin naman ang Pambansang Bae at matatag na nakatayo.

Si Alden Richards pa rin ang pinagkakaabalahang kunin ng mga show promoters dito at sa iba-ibang bansa man, siya pa rin ang kinakikiligan ng ating mga kababayan, dahil hindi pinagbabago ng kasikatan ang guwapong singer-actor.

Ihinihiwalay si Alden ng mga kababayan natin sa kanyang kabaitan, kahit bagsak na siya sa pagod at puyat ay pinagbibigyan niya pa rin ang mga may gustong magpa-picture sa kanya, taong-tao ang Pambansang Bae.

Hanggang ngayon ay pinupuri-puri pa rin siya ng mga kababayan nating matagal nang naninirahan sa Sydney, Australia, minsan pang nagpakita du’n si Alden ng pagiging mabait at mapagkumbaba, kumalat na parang apoy sa Filipino community ang kabutihan ng kanyang puso.

Kuwento ni Annalyn, ang aming anak-anakan, “Nanood po kaming lahat ng show nila ni Betong. Marami na pong artistang nagdatingan dito sa amin, pero ibang-iba po si Alden.

“Tapos na kasi ang time para sa photo opportunity, pabalik na sila sa hotel, pero inubos pa rin ni Alden ang lahat ng mga nakapila para makasama siya sa picture.

“Kaya sa susunod na mag-show uli siya dito sa Australia, kahit malayo pa ang venue, manonood uli kami dahil napakabait ni Alden,” kuwento ng aming anak-anakan.

Read more...