TRENDING, if not never-ending topic din lang ang librong isinulat ni Mark Bautista ay agad din siyang nag-isyu ng disclaimer tungkol sa kanyang gender orientation.
Ayon sa singer, hindi raw siya bakla kundi isang bisexual. Sa palasak na kahulugan, “silahis” ang katumbas na salita ng “bi” o “bisexual. One who can swing both ways.
Magkaiba nga naman ang “homo” prefix which means “same” as opposed to “bi” na simple lang din ang ibig sabihin.
Kung hindi ba naman these words differ from each other, ang acronym na LGBT na komunidad ay hiwalay ang G for Gay at B for bisexual. May distinction ang gay (the flamboyant-type that we know) from bi.
Many years ago, noong nasa kolehiyo pa kami’y meron kaming nabasang libro tungkol sa homosexuality (pasensiya na, the title and the author escape our memory).
Tinalakay roon ang “bi” kung saan sinabi ng mismong may-akda ng aklat that there’s no such thing. Isang myth o kathang-isip lang ang salitang ‘yon most especially those who practice bisexuality.
Ang “bi” ay maituturing daw na bakla rin o bayot. Dahil the mere fact na ang isang tao—girlash man o boylet—once nakaramdam ng atraksiyon para sa kapareho niya ng gender ay considered “homo.” May grey area somewhere, but through the years, being exposed to gay life ay naunawaan namin ang punto ng author.
Since we read that book ay mukhang nabago na rin ang pakahulugan sa salitang “bi.” Marami kasi—sa totoo lang—ang mga layer ng kabaklaan. It has produced many facets to it kung paanong tila mas dumami ang populasyon ng aming komunidad in various yet colorful shades.
May baklang-bakla o openly gay (that Mark Bautista is definitely not), may mga bearded or bemoustached na silahista o pamintang durog na pilit nag-uumeffort magpaka-macho, but whose neneng-nene behavior betrays the image they project in public.
Hindi na bago sa inyong lingkod ang librong isinulat ni Mark only that his material contains first person accounts which all the more lend credence to it. Dauntless as the book appears, may ganito na ring binalak ang medyo sumikat ding aktor nu’ng kapanahunan niya.
Kasagsagan ng That’s Entertainment noon —dekada nobenta—nang maging malapit kami sa isa nitong male member na kami-kami lang mga close reporters niya ang nakakaalam that he was a mermaid who jumped out of the waters.
That time, balak niyang magsulat ng libro hinggil sa maraming layers ng kabaklaan. At take note, kung iilan lang ang binanggit namin earlier in this column, ang sa kanya’y mahigit 10 uri raw meron ang mga talyada.
May sense at matalino ang miyembrong ‘yon ng dating programa ni Kuya Germs. Pero lumipas ang maraming taon, dumami nang dumami ang bilang ng mga pinaghihinalaang bayot sa showbiz ay mukhang hindi niya nasimulang sulatin ang libro.
But who’d still be interested in his book? Ang huli naming pagkikita (of all places, sa aming kalye sa Pasay City where he keeps a circle of gay friends na professionals), inaliw niya kami sa kanyang mga kuwento tungkol sa kanyang mga sexual conquests.
q q q
Kakaibang Chinese New Year episode awaits the suki viewers of Celebrity Bluff. Sa halip na karaniwang tatlong pares ang magtutunggali ay anim sila.
Aling pares among Archie Alemania-Arny Ross, John Feir-Chariz Solomon, Ian Red-Pepita Curtis, Sanya Lopez-Thea Tolentino, Bianca Umali-Kyline Alcantara at Martin del Rosario-Mike Tan will go home with the jackpot prize?
Para magsilbi namang so-called Laglagers, ang tandem naman nina Mr. Dantes at Tetay ang makikigulo sa mga players. With the actor’s rare presence sa ganitong uri ng palabas sa GMA, hindi naman siguro premature na pangangampanya ‘yon sa kanyang matunog na senatorial bid, ‘di ba?
Ayaw ng Comelec…charot!